Magandang araw po sa lahat! Ako nga po pala si Baba Sayab-Sayab. Hindi ito ang totoo kong pangalan ngunit ito ang aking pinili dahil ito ang pangalan ng isa sa aking mga ninuno. Ako nga pala ay isang guro dito sa Maynila. Sa mundong aking ginagalawan, aklat at bata ang nasa sentro. Araw-araw, mula ika-7 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon, pagtuturo at paggawa ng kung anu anong kagamitang biswal ang umuubos sa aking panahon. Darating ako sa aming bahay sa pagitan ng 7 o 8 ng gabi.Kakain, magbibigay ng 1 oras na "quality time" sa aking anak, at pagkatapos ay dali-dali na akong tatakbo sa higaan para matulog. Yan po ang "routine" ng buhay ko mula Lunes hanggang Biernes.
Noon, pagdating ng Sabado o Linggo, panahon naman ito ng aking pakikipagkwentuhan sa aking pamilya. At ang pinaka- paborito kong kakwentuhan ay ang aking butihing lolo. Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda, sya na ang aking naging parang ikalawa ama. Kung anu-anong kwento ang kanyang ipinakikintil sa ang kaisipan. Mga kwento ng kababalaghan, mga agimat at mutya, mga orasyon, kulam at barang, panggagamot sa pamamagitan ng lihim na kapangyarihan at ang kapangyarihan ng halaman.
Lahat ito ay bumusog sa aking kaisipan. At lahat ng ito ay nasa isang maliit na baul na aking iniingatan hanggang sa kasalukuyan. Ngayong wala na ang aking pinaka mamahal na Apoy Lilo, minsan iniisip ko kung kailan ko sisimulan ang lahat ng kanyang mga naituro sa akin. Aaminin ko na may mga kaalaman ang lolo ko na napag-aralan ko na at napakain ko na ngunit masasabi ko rin na hindi pa lahat ay aking nabibigyan ng panahon. Sa mga galing ng lolo ko na tumatalab na sa akin, masasabi ko na talagang mabisa ito. Ngunit, ang mga matataas na kaalaman ay nangangailangan ng mas mahabang panahon ng debosyon at sakripisyo. Sa aspetong ito ako sumusuko. Hindi ko minsan kaya na mapakain ang mga kaalaman na naituro sa akin ng aking lolo dahil wala akong oras dito.
Kaya bago ako matulog, pag nakikita ko ang aking baul na naglalaman ng mga katuruan ng aking lolo at mga kagamitan na iniwan nya sa akin bago sya mamatay, ako'y napapatigil at nanghihinayang. Kailan ko kaya ganap na mabibigyan ng pansin ang mga kaalamang itinuro sa akin ng aking lolo na galing pa sa aming mga ninuno?
Ito ang nagbunsod sa akin na gumawa ng blog, upang kahit papaano ay may paraan ako na maipahayag ko ang aking mga saloobin tungkol sa mga paksa ng hiwaga at mga lihim na karunungan habang ako ay gumagawa ng powerpoint presentation o visual aids sa harap ng computer. Dalangin ko na may makabasa nito na taga Samar o sa ibang parte ng Visayas at Bicol na nakatira dito sa Maynila. Gusto kong magkaroon ng kaibigan na may ganitong interes din. Mga taong propesyonal sa umaga ngunit may kakaibang libangan- Ang Pag-aaral ng Lihim at mga Sinaunang Karunungan.
This blog talks about the ancient rituals and practices of my ancestors in Samar. A Word of Caution To All Who Will Read My Blog! I am not here to teach and to preach! I am here to record the knowledge and wisdom of my ancestors. This blog is created to preserve my family's secret weapon against evil and misfortune. May the spirit of my ancestors guide me in my quest. Amen.
My Word of Advice to All!!!!
Silence is Power!!! Keep quiet about it and you will surely reap the reward. Let the unknown and mysterious power protect you and help you in your quest! This is my e-mail add kcv_samar81@yahoo.com. My YM is kcv_samar81.
congratulations ha imo. amo na siguro ini iton akon guinbibiling nga maiha na. Okey iton imo site as a start-up.maupay ini kay may-ada na ako kakadtuan. nag sign-up na liwat ako hit im followers section.By the way,nagdako ako ha leyte ug nagpuyo liwat dida ha basey. taga diin ka ngay-an?......amola.....
ReplyDeleteDiri ko puyde sabihon kon taga diin ako kay bangin mahibaruan san mga kalagasan san akon pamilya an acon blog. Sigurado gud ako nga madiri sira san akon desisyon paghimo sin blog nga ini kay maaram ka naman sa aton nga ini, mga sikreto nga diskusyon diri puyde ig-rayhak sa kalibutan. Pero, an akon man sin dahilan diri pagrayhak og paghambog kondi pag surat la san mga himbabru-an sa mga kalagasan sa aton. Salit, pasensya na la ha!
ReplyDeleteHi magandang hapon po sa lahat interesado rin po ako sa Lihim na Karunungan at ang lolo ko po ay isang mangagamot din. Lumaki po ako sa Tondo at nagtratrabaho po ako bilang english Instructor sa nga Koreano sana po ay makasalamuha ko po kau ng personal. Pagpalain po kayo
ReplyDeleteSir interesado ko...ako ba matutulungan nyo pra mgkaroon ng pambihirang agimat? Proteksyson lamang at di ku ggmitin sa masama...slamat po,
ReplyDeleteMatagal nako nghhnap ng ksama..my gmit ako peru dko alm sir kung 22o ung bngya sakin...gling po 2 sa banahaw...bngyan din aq ng orasyon...peru nttkot ako gmitin,,bka d tumalab pagginamit ko,,,help nman sir.
ReplyDelete