My Word of Advice to All!!!!

Silence is Power!!! Keep quiet about it and you will surely reap the reward. Let the unknown and mysterious power protect you and help you in your quest! This is my e-mail add kcv_samar81@yahoo.com. My YM is kcv_samar81.

Tuesday, October 20, 2009

Ang Aking Lolo

Isa sa pinaka mahalagang tao na humubog sa akin ay ang aking namayapang lolo. Tatawagin ko siya sa pangalang Apoy Lilo (Ang pangalan na ito ang gagamitin ko sa lahat ng aking mga kwento tungkol sa aking pinaka-mamahal na lolo) Bata pa lang ako ay lagi na nya akong binabahaginan ng mga kwento tungkol sa aking mga ninuno at tungkol sa kanyang ama. Si Apoy Lilo ay kilalang tao sa aming bayan sa Samar. Halos lahat ng mga matatanda sa aming lugar ay iginagalang siya. Mayaman man o mahirap, lahat ay nagbibigay ng respeto sa aking lolo. Hindi ko maintindihan noon kung bakit laging may tao sa amin na hinahanap ang aking lolo. May mga panahon na may dala-dala silang pagkain na inihahandog sa aking Apoy Lilo. Hanggang sa sya ay tumanda at umabot sa edad na 90 ay nandoon pa rin ang paggalang ng mga tao sa kaniya. May mga panahon pa nga na gusto syang hiramin ng aking mga kamag-anak o mga kababayan para tumira sa kanilang lugar. Dito ako humanga sa aking Apoy Lilo. SaTV at mga magasin, pag tumanda kana, itinuturing kang pabigat sa pamilya. Ngunit iba ang Apoy Lilo ko. Sa huling araw ng kanyang buhay sa mundong ito ay nandoon pa rin ang aming paggalang at pagmamahal sa kanya. Sana sa pamamagitan ng blog na ito ay maipadama ko sa aking Apoy Lilo ang aking pagmamahal sa kanya. Mahal na mahal ko ang lolo ko at sana ay maging kagaya rin nya ako sa mga susunod na panahon. Para po sa inyong kaalaman, ako po ang napag-iwanan ng aking Apoy Lilo ng kanyang mga natatagong kaalaman. Isang bagay lang ang gumugulo sa aking isipan. Ngayon na nandito ako sa Maynila at napapalibutan ng mga modernong teknolohiya at kaalaman, may puwang paba ang mga ganitong kaalaman? Isa ito sa bumabagabag sa akin. Kailan ko kaya mabibigyan ng panahon ang pag-aaral ko sa mga kaalamang naituro sa akin ng aking lolo?

1 comment:

  1. magandang araw sayo kaibigan, nabasa ko ang blog mo ito,, at pagkatapos ko basahin ay di ko magawang hindi mag comment sayo,, ako po ay taga batangas purong tagalog,, masaya ako nabasa ang blog nyo,,, pareho lang siguro tayo ng mithiin o sadyang gusto nating mag explore o matuto pa at malaman ang mga sikretong nababalot at kababalaghan sa ating mundo,, ako po ay isang "vucal na sumasampalataya sa lapiang malaya" sabihin n nating relehiyon o samahan,, ng mabubuting tao sa mundo,,, yun po ay pinamumunuan ni tatang valentine delo santos isang bicolano,,, napakahiwaga po ng taong iyon,, matagal na syang patay 1967 pa,, mahabang istorya po,, about sa aming pamilya at aking kinagisnang katuruan,,, marahil ay kilala sya ng inyo lolo,,,

    ReplyDelete