My Word of Advice to All!!!!

Silence is Power!!! Keep quiet about it and you will surely reap the reward. Let the unknown and mysterious power protect you and help you in your quest! This is my e-mail add kcv_samar81@yahoo.com. My YM is kcv_samar81.

Sunday, October 25, 2009

The Tambalans

The next topic that i would like to discuss is all about the tambalan and its origin.This is a very important institution in Samar in the old days. The Tambalan is regarded as an authority in the local setting. He is well respected by the community. His words are like laws that people should follow and listen. Is it easy to be a Tambalan? Is it true that Tambalans have physical attributes? What can you say about the Tambalan as an institution? How does a Tambalan practice healing? What are the tools used by Tambalans in Samar? Do they follow strict rules and rituals in healing? How do they view "illness"? What is the relationship between tambalans and barangans?

1. The origin of Tambalan
It is difficult to trace the origin of Tambalans. But according to my grandfather, in the ancient times, no doctors can be found in Samar. That is why the elementals/fairies of the spirit world opened their gates and chose someone the "Art of Folk Healing". It was the fairies/elementals who taught us. It was THEM who laid down the rules and procedures for the different rituals used by babaylans in the ancient times and the tambalans in the contemporary period.It was THEM who taught us orasyon and the rules to awaken it.(The original Visayan/Mindanao orasyon cannot be understood and should not be understood. From the point of view of original "Latin", used by the Church in Rome, Italy, the orasyons in Visayas and Mindanao differ. It was actually a mixture of Latin,Spanish,Visayan, and some unintelligible words only understood by the spirit world. Invoking it would produce effect because of the interconnection of humans and other elements of nature through air(hangin).Everything is actually governed by two elements-the hot(mapaso) element and the cold (mapinit)element.The power of orasyon given by the spirit world will neutralize/balance the two elements in the body.)

After the first pact (pacto), the ancient babaylans/tambalans wrote everything in a libreto to be passed on to the next generation. In my family, I am part of the 9th generation. From our ninuno named Baba Makalinog to Baba Barahel to Baba Bersola to Baba Crispulo to Baba Dalugdog to Baba Oyan to Baba Lilo to my father and to me. My father wasn't interested that's why my grandfather taught everything to me. As I see it, Tambalan in Samar is different because the ability to heal is just passed on to one or two members of the family. Outsiders are not permitted to learn the process. Maliban na lang kung ikaw ay pagkakatiwalaan ng isang Tambalan, I think ito lang ang exception.

If you have already the orasyons then, the next step is the so called "Pagmayaw". Here you have to go to the different steps or stages. You need to know the right formula/ingredients or else your "Pagmayaw will not take effect. Worst, as soon as the spirit/fairies/elements notice that you do not know the exact procedure, they will give you a big problem- maaring masira ang ulo mo o paglaruan ka nila o patayin ka nila. Marami na ang na-aral sa amin na nabaliw dahil mali ang kanilang ginawa sa ritwal na pagmamayaw. The rule is definite and precise. You have to know the rule. (to be continued)

Tuesday, October 20, 2009

Anu-ano ang magiging hadlang sa iyong matagumpay na pag-aaral ng lihim na karunungan?

Unang una nais kong ilagay sa panulat ang mga katuruan ng aking Lolo. Mula ng ako ay bata pa, napakaraming mga impormasyon ang ibinigay nya sa akin tungkol sa aspeto ng mga sinaunang kaalaman. Isa sa mga lagi nyang ipinakikintil sa akin ay ang paghahanda sa pag-aaral ng mga bagay na tinatawag niyang "Kalalake".

Anu-ano ba ang mga bagay na magiging kalaban ng mga taong nagnanais na matuto sa aspeto ng "Kalalake"?

1. Hadok ( Fear ): Ang isang mag-aaral ng mga Sinauang Kaalaman ay dapat magtaglay ng katapangan.Maraming pagsubok na iyong susuungin upang makamtan mo ang nais mong maabot. Pagpasok sa kuweba, pagdaan sa gubat, pagpasok ng kamay sa isang maliit na butas sa loob ng kweba, pagluhod na nakaharap sa umaagos na tubig sa itaas ng talon. Ilan lang ito sa mga maaaring makaharap ng mga taong nagnanais na matuto ng mga Lihim na Karunungan. Isipin lang ninyo ang mga bagay na maaaring magpakaba o magpatakot sa inyo. Yan ay mga pagsubok na iyong haharapin. Ika nga sa Ingles, "No pain, No gain" . Kaya mo ba?

2. Liya ( Noise ): Ang isang mag-aaral ng Lihim na karunungan ay dapat matutong manahimik at tumahimik sa mga bagay na may kaugnayan sa Lihim na Karunungan dahil ang katahimikan ay kapangyarihan. Posibleng pareho kayo ng orasyon ngunit sa bisa o pagtalab ng orasyon magkaiba ang resulta.Dahilan? Posibleng ang isang nagtatangan ay tahimik, masikreto, malihim, misteryoso, at may paggalang sa orasyon. Ngunit ang isan naman ay parang isang loro na halos lahat ng tao sa buong barrio o sa buong bayan ay nakaka-alam ng lahat ng kanyang ginagawa at parang isang baliw na namimigay ng orasyon na sya mismo ay di kayang patalabin.Sa inyong palagay sino ang may taglay na kaalaman. Silence is power!

3. Hambog ( Boastful )Ang isang taong nagtataglay ng isang matinding kaalaman ay dapat mapagpasensya at hindi mayabang. Minsan, kahit ikaw ay matapang at tahimik, may mga pagkakataon na dahil sa taglay mong kaalaman ay gusto mong maka isa sa iyong kapwa. Ginagamit mo ang kaalaman mo upang makalamang sa iba. Tandaan ang konsepto ng KARMA! In every action, there is a corresponding reaction. The Law of Cause and Effect is here and there whether you believe it or not!

Kaya ba ninyong talunin ang 3 ito? Kaya ba ninyong labanan ang takot, kadaldalan, at kayabangan? Posibleng sa una ay oo, ngunit ang ikalawa at ikatlo kaya mo ba? Pagnilayan ninyo ang aking sinabi.Maraming salamat!

Ang Aking Lolo

Isa sa pinaka mahalagang tao na humubog sa akin ay ang aking namayapang lolo. Tatawagin ko siya sa pangalang Apoy Lilo (Ang pangalan na ito ang gagamitin ko sa lahat ng aking mga kwento tungkol sa aking pinaka-mamahal na lolo) Bata pa lang ako ay lagi na nya akong binabahaginan ng mga kwento tungkol sa aking mga ninuno at tungkol sa kanyang ama. Si Apoy Lilo ay kilalang tao sa aming bayan sa Samar. Halos lahat ng mga matatanda sa aming lugar ay iginagalang siya. Mayaman man o mahirap, lahat ay nagbibigay ng respeto sa aking lolo. Hindi ko maintindihan noon kung bakit laging may tao sa amin na hinahanap ang aking lolo. May mga panahon na may dala-dala silang pagkain na inihahandog sa aking Apoy Lilo. Hanggang sa sya ay tumanda at umabot sa edad na 90 ay nandoon pa rin ang paggalang ng mga tao sa kaniya. May mga panahon pa nga na gusto syang hiramin ng aking mga kamag-anak o mga kababayan para tumira sa kanilang lugar. Dito ako humanga sa aking Apoy Lilo. SaTV at mga magasin, pag tumanda kana, itinuturing kang pabigat sa pamilya. Ngunit iba ang Apoy Lilo ko. Sa huling araw ng kanyang buhay sa mundong ito ay nandoon pa rin ang aming paggalang at pagmamahal sa kanya. Sana sa pamamagitan ng blog na ito ay maipadama ko sa aking Apoy Lilo ang aking pagmamahal sa kanya. Mahal na mahal ko ang lolo ko at sana ay maging kagaya rin nya ako sa mga susunod na panahon. Para po sa inyong kaalaman, ako po ang napag-iwanan ng aking Apoy Lilo ng kanyang mga natatagong kaalaman. Isang bagay lang ang gumugulo sa aking isipan. Ngayon na nandito ako sa Maynila at napapalibutan ng mga modernong teknolohiya at kaalaman, may puwang paba ang mga ganitong kaalaman? Isa ito sa bumabagabag sa akin. Kailan ko kaya mabibigyan ng panahon ang pag-aaral ko sa mga kaalamang naituro sa akin ng aking lolo?

Tungkol sa Akin

Magandang araw po sa lahat! Ako nga po pala si Baba Sayab-Sayab. Hindi ito ang totoo kong pangalan ngunit ito ang aking pinili dahil ito ang pangalan ng isa sa aking mga ninuno. Ako nga pala ay isang guro dito sa Maynila. Sa mundong aking ginagalawan, aklat at bata ang nasa sentro. Araw-araw, mula ika-7 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon, pagtuturo at paggawa ng kung anu anong kagamitang biswal ang umuubos sa aking panahon. Darating ako sa aming bahay sa pagitan ng 7 o 8 ng gabi.Kakain, magbibigay ng 1 oras na "quality time" sa aking anak, at pagkatapos ay dali-dali na akong tatakbo sa higaan para matulog. Yan po ang "routine" ng buhay ko mula Lunes hanggang Biernes.

Noon, pagdating ng Sabado o Linggo, panahon naman ito ng aking pakikipagkwentuhan sa aking pamilya. At ang pinaka- paborito kong kakwentuhan ay ang aking butihing lolo. Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda, sya na ang aking naging parang ikalawa ama. Kung anu-anong kwento ang kanyang ipinakikintil sa ang kaisipan. Mga kwento ng kababalaghan, mga agimat at mutya, mga orasyon, kulam at barang, panggagamot sa pamamagitan ng lihim na kapangyarihan at ang kapangyarihan ng halaman.

Lahat ito ay bumusog sa aking kaisipan. At lahat ng ito ay nasa isang maliit na baul na aking iniingatan hanggang sa kasalukuyan. Ngayong wala na ang aking pinaka mamahal na Apoy Lilo, minsan iniisip ko kung kailan ko sisimulan ang lahat ng kanyang mga naituro sa akin. Aaminin ko na may mga kaalaman ang lolo ko na napag-aralan ko na at napakain ko na ngunit masasabi ko rin na hindi pa lahat ay aking nabibigyan ng panahon. Sa mga galing ng lolo ko na tumatalab na sa akin, masasabi ko na talagang mabisa ito. Ngunit, ang mga matataas na kaalaman ay nangangailangan ng mas mahabang panahon ng debosyon at sakripisyo. Sa aspetong ito ako sumusuko. Hindi ko minsan kaya na mapakain ang mga kaalaman na naituro sa akin ng aking lolo dahil wala akong oras dito.

Kaya bago ako matulog, pag nakikita ko ang aking baul na naglalaman ng mga katuruan ng aking lolo at mga kagamitan na iniwan nya sa akin bago sya mamatay, ako'y napapatigil at nanghihinayang. Kailan ko kaya ganap na mabibigyan ng pansin ang mga kaalamang itinuro sa akin ng aking lolo na galing pa sa aming mga ninuno?

Ito ang nagbunsod sa akin na gumawa ng blog, upang kahit papaano ay may paraan ako na maipahayag ko ang aking mga saloobin tungkol sa mga paksa ng hiwaga at mga lihim na karunungan habang ako ay gumagawa ng powerpoint presentation o visual aids sa harap ng computer. Dalangin ko na may makabasa nito na taga Samar o sa ibang parte ng Visayas at Bicol na nakatira dito sa Maynila. Gusto kong magkaroon ng kaibigan na may ganitong interes din. Mga taong propesyonal sa umaga ngunit may kakaibang libangan- Ang Pag-aaral ng Lihim at mga Sinaunang Karunungan.